Ang Dapat Mabatid ng mga OC


       Itong mga OC, na marahil nang unang panahon ng ating matagal na mga kasaysayan niyaong hindi pa tinutulungan sa mga gawaing ito ang mga OC, ay nabubuhay sa lubos na paghihirap, at anxiety. Kasundo niya ang mga maaayos at lalung-lalo na ang mga kapwa-OC, sila’y kabilinan at kapalitan ng mga karanasan, marami ang pagyabong ng lahat ng pinaguusapan, kaya’t dahil dito’y mayaman ang kaalaman ng lahat, bata’t matanda at maraming mga babae ay marunong makisama at makibagay ng talagang pagkilos ninyong mga nprmal. Dumating ang mga doktor at dumulog na nakipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat na diumano, tayo’y aakayin sa lalong pag-intindi at lalong imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing nagsisipamahala ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghibo. Gayon man sila’y ipinakita sa talagang kaugaliang pinagkayarian sa pamamagitan ng ilang tests na kumuha ng kaunting dugo sa kani-kanilang mga ugat, at yao’y inihalo’t inilagay nila sa bote handa ng tunay at lubos na pagaanalisa na di magtataksil sa resulta. Ito’y siyang paraan na ginawa ng dalubhasang doktor at ispesyalista na pinakakatawanan ng ospital sa bansa.
        Buhat nang ito’y mangyari ay bumubilang na ngayon sa tatlong daang libo mahigit na ang pag aaral ng mga doktor ay ating binabasa sa lubos na kasaganaan, ating pinagtatamasa at ninanamnam, kahit mapansin natin ang kamalian at kalokohan; iginugugol natin ang oras, dugo at sampu ng tunay na mga kayamanan na ayaw pumayag na sa kanila’y tatanggi, at gayon din naman nakipagbaka tayo sa mga pangungutya at panduduro nagbalang umagaw sa atin nitong kalayaan.
       Ngayon sa lahat ng ito’y ano ang sa mga ginawa nating paggugugol ang nakikitang kaginhawahang ibinigay sa ating sarili? Ano ang nakikita nating kaibahan sa kanilang pagtrato na siyang naging dahilan ng ating pagpartisipa! Wala kudi pawang pag-aabuso ang ganti sa ating mga paghihirap at mga pagsuway sa kanilang ipinangakong tayo’y lalong magbabago sa kagalingan ay bagkus tayong binulag, inihawa tayo sa kanilang hamak na hayop, pinilit na kinalikot ang utak at masaganang katawan ng ating sarili; iminulat tayo sa isang maling pag-iisip at isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating kaisipan; at kung tayo’y mangahas humingi ng kahit kaunting pag-unawa, ang nagiging kasagutan ay ang tayo’y kutyain at ipamukha ang pagkakaiba sa ating minamahal na kaklase, kaibigan at buong pamilya. Ang bawat isang paglilinis na pumulas sa ating kamay ay itinuturing na isang malaking pagkakasala at karakarakang hinuhusgahan nang sarili’y kamuhian.
        Ngayon wala nang maituturing na kaligtasan sa ating kapaligiran; ngayon lagi nang gingambala ang ating katahimikan ng umaalingawngaw na panunuro at pagtingin, buntong-hininga at masakit na panghuhusga ng sobra, pati mga magulang ng mga kapwa idinamay ng mga malulupit na kababayan; ngayon tayo’y nalulunod na sa nagbabahang luha ng Ina sa masalimuot na buhay ng anak, sa pananangis ng sanggol na pinangulila ng kalupitan na ang bawat patak ay katulad ng isang kumukulong tinga, na sumasalang sa mahapding sugat ng ating pusong nagdaramdam; ngayon lalo’t lalo tayong nabibiliran ng tanikalang nakalalait sa bawat lalaking may iniingatang kapurihan. Ano ang nararapat nating gawin? Ang araw ng katuwiran na sumisikat sa Silanganan, ay malinaw na ipinapakita sa ating mga matang tila nabulagan, ang landas na dapat nating tunguhin, ang kaayusan niya’y tanaw sa ting mga mata, ang kamay na nag-akma ng kalinisan alay natin sa mga ipokritong asal. Itinuturo ng katuwiran, na wala tayong iba pang maaantay kundi lalo’t lalong sarili lamang. Itinuturo ng katuwiran, lalo’t lalong kaayusan at lalo’t lalong kagandahan. Itinuturo ng katuwiran, na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong kalinisan na hindi darating at hindi mangyayari. Itinuturo ng katuwiran ang tayo’y umasa sa atin at huwag antayin sa iba ang ating kagustuhan. Itinuturo na katuwiran ang tayo’y magkaisang-loob, magkaisang isip at akala at nang tayo’y magkaisa na maihanap ng lunas ang naghaharing kadugyutan sa ating Bayan.
        Panahon na ngayong dapat na mawala ang alikabok ng panghuhusga; panahon nang dapat nating ipakilala na tayo’y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan. Ngayon panahon nang dapat simulan ang pag-aayos ng mga mahal at magulong ani na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan; panahon na ngayong dapat makilala ng mga OC ang pinagbuhatan ng kanilang mga kahirapan. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat isang kilos natin ay nagugulo natin at nabibingit sa matagal na pag-ulit ng pag-aayos na sa ati’y importante di gaya ng mga kaaway.
        Kaya, O mga OC, ating ibukas ang malawak na kaisipan at kusang igugol sa kaayusan ang ating lakas sa tunay at lubos na pagbabago na magtagumpay sa nilalayong kaginhawahan ng kapaligiran.

                                                                                      

This entry was posted in

Leave a Reply